Atoy Co Story - Crispa Redmanizers Series Episode 3 | PBA History
Manage episode 348490090 series 3263199
Pinanganak bilang Fortunato Gan Co, Jr. sa kanyang unang pangalan nagbase ang kanyang mga palayaw na Atoy at Fortune Cookie dahil kung susuriin mo ang kanyang pangalan na Fortunato, makukuha mo ang mga salitang Fortun at Ato kung saan halaw ang mga salitang Fortune at Atoy. Una siyang nakitang maglaro ng basketball sa paaralang Philippine Cultural High School kung saan minsan niyang naging karibal ang kapwa intsik na naglaro sa Chiang Kai Shek na si Lim Eng Beng. Isa ito sa mga alamat ng mga Filipino-chinese basketball sa Pilipinas dahil bukod sa pagiging magkaribal sa highschool, napagpatuloy nila ang kanilang rivalry sa NCAA ng mapunta si Atoy sa Mapua at si Lim naman para sa La Salle. Sa unang dalawang taon ni Atoy sa Mapua, napagtagumpayan niya ang dalawang NCAA MVP trophy kung saan tinanghal pa siya na 1970 NCAA Rookie MVP gayunpaman hindi nagawang mapagchampion ni Atoy ang Cardinals na dalawang beses namang naggawa ng kanyang karibal na si lim eng beng para sa La Salle. Matapos ang tatlong taon na paglalaro para sa Cardinals, nilisan na ni Atoy ang kolehiyo para maglaro sa MICAA at sa kupunang Crispa Redmanizers.
--- Support this podcast: https://podcasters.spotify.com/pod/show/philippine-sports-history/support40 odcinków